Muling iginiit ng lokal na pamahalaan ng Rosario, La Union ang umiiral na ordinansa na nagbabawal sa pagkakatay ng baboy at malalaking baka, maging ang pagbebenta ng hot meat mula sa mga barangay.
Sa ilalim ng ordinansa, maaring kumpiskahin ang mga masasabat na karne sa mga barangay, ay suspindehin ang business permit ng establisyemento o manlalako, depende sa araw na itatakda ng lokal na pamahalaan.
Ipinagbabawal din ang pamemeke o panlilinlang sa Slaughterhouse Management ukol sa orihinal na pinagmulang lugar ng mga meat products.
Mayroon ding karampatang multa na P2,500 kada paglabag.
Ang paalala ng tanggapan ay naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamimili mula sa posibleng banta na maidulot ng mga hindi kalidad na produktong karne. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










