Ipinaalala sa mga may-ari ng establisimyento at mga kostumer sa Pozorrubio na ang parking slots para sa Persons with Disability (PWD) ay nakalaan para sa mga may pangangailangan sa mobility, kabilang ang mga may kahirapan sa paglalakad.
Ito ay matapos igiit ng Pozorrubio Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na ang mga parking slot na ito ay eksklusibo lamang para sa mga may dalang valid PWD ID.
Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 02-04072025, ipinagbabawal ang ilegal na pagparada sa mga PWD parking slot sa lahat ng pribado at pampublikong establisimyento sa bayan.
Itinatakda rin ang kaukulang multa na ₱500 sa unang paglabag, ₱1,500 sa ikalawang paglabag, at ₱2,500 sa ikatlong paglabag o pagkakakulong ng hanggang tatlong buwan, o pareho, ayon sa pagpapasya ng hukuman. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










