ILEGAL NA PANLALAMBAT NG KALAPATI SA LA UNION, INALMAHAN

Umalma ang Sangguniang Panlalawigan ng La Union sa tumataas na kaso ng ilegal na panlalambat ng kalapati o racing pigeons.

Ayon sa isang mambabatas, ang naturang kalakaran ay mayroon pa rin partikular sa mga bayan ng Sto.Tomas, Agoo at Aringay kung saan naglalagay umano ng patibong na fishnet ang mga “lambateros” para sa mga pinang kakarerang kalapati saka ipopost online upang tubusin ng may-ari sa itinakdang halaga.

Tinlakay ang usapin sa umano’y ilegal na aktibidad dahil sa posibleng epekto sa kalusugan at disgrasya sa hayop ang maidudulot nito.

Dagdag ng mambabatas, bagaman isa nang isports sa ilang komunidad ang pigeon racing at naging bahagi na ng kultura ng mga Ilokano kinakailangan pa rin na maaksyunan ang naturang insidente para sa kapakanan ng hayop at iba pang wildlife.

Nakatakdang pag-aralan ng Committee on Environment and Human Ecology and Security ang naturang usapin para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments