ILEGAL NA PAPUTOK, MUFFLER AT BOGA SA PANGASINAN, SINIRA NG PULISYA

Sinira ng Pangasinan Police Provincial Office ang mga nakumpiskang ilegal na paputok, mufflers at boga sa lalawigan kahapon.
Umabot sa 1,381 ang kabuuang bilang ng mga ipinagbabawal na pampaingay tulad ng piccolo, kwitis at Goodbye Philippines ang nakumpiska kung saan 238 ang boga o improvised cannon na madalas maglipana tuwing holiday season.
Sa pahayag ni Provincial Director PCOL Rollyfer Capoquian, nakatakdang maglibot ang kanilang tanggapan ngayong araw sa buong lalawigan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Pangasinense sa pagsalubong sa bagong taon.

Bukod dito, layunin ng aktibidad na maipabatid sa publiko ang pagpapaigting ng pagbabantay sa mga ipinagbabawal na paputok at pampaingay.
Patuloy na hinihikayat ng pulisya ang publiko na maging responsable sa mga kabi kabilaang kasiyahan kasunod ng pagsalubong sa 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments