ILEGAL NA QUARRY, NASAGIP SA SAN NICOLAS, ILOCOS NORTE

Natuklasan ng personnel ng Provincial Sand and Earth Team (PSET) ang isang ilegal na quarry sa San Nicolas, Ilocos Norte kahapon, Nobyembre 12.
Habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga awtoridad, nahuli ang 39-anyos na lalaki, residente ng Batac City, na nagmamaneho ng isang mini-dump truck na ginagamit sa quarry.
Napag-alaman na may paglabag sa regulasyon ang quarry tulad ng pagpapataas ng siding ng dump box at kawalan ng registration documents.
Binigyan ang drayber ng citation ticket bilang bahagi ng aksyon laban sa ilegal na quarrying.
Facebook Comments