Iligan City – Ipapasara ng lokal na pamahalaan sa lungsod ng Iligan ang operasyon ng Small Town Lottery o STL.
Ayon kay Vice Mayor Jemar Vera Cruz na simula palang ay tutol na silang mga opisyal sa lungsod na makapasok ang STL dahil dagdag pasanin at problema na naman ito ng mga Iliganon.
Lalong lalo na ang mga may malilit na income na posibleng maubos agad dahil sa pagtaya ng STL.
Kaya ayon kay Vera Cruz, kailangan talagang ipahinto ang naturang uri ng sugal dahil illegal din ang pagpasok nila sa lungsod dahil hindi lang man sila dumaan sa kanilang mga opisyal.
Nanindigan naman ang nagpapatakbo ng STL sa Iligan na si Ms. Margie Molina na legal at may permit silang hinahawakan sa pag-operate nila ng STL.
Ito ay dahil mismong ang taga PCSO ang lumagda at nag-award sa kanila para maka-operate sila ng STL pero kahit hindi na kailangang dumaan sila sa city officials ay ginawa pa rin nila para ipaalam ang kanilang operasyon.
Pero kahit pa ipinaalam na nila sa mga opisyal ng lungsod ay patuloy pa rin nilang tinututulan ang operasyon ng STL sa lungsod ng Iligan.