Ito ay makaraang maghain ng resolusyon sa House of Representatives si Cagayan 3rd District Congressman Joseph Jojo “Pulsar” Lasam Lara.
Ayon sa facebook post ng Kongresista, iligal umano ang ginawang paggastos ng Provincial Government sa pamumuno ni Governor Manuel Mamba at umano’y kasabwat nito noong panahon ng kampanya.
Dagdag pa ng mambabatas, ilang araw bago ang halalan ay naiulat na nagsagawa umano ng napakalaking Cash Advances na may pinagsama-samang halaga na P550 milyon si Mamba gamit ang ibang mga empleyado at opisyal ng kapitolyo na nagpapatunay na isa itong malinaw na paglabag sa batas at kawalan ng respeto sa paglustay sa kaban ng bayan at sa mga Cagayano.
Umaasa naman si Lara na makakamit ng mga Cagayano ang tunay na hustisya sa naganap na umano’y vote buying nitong nakalipas na eleksyon.
Samantala, ayon kay Mamba walang iligal sa ginawang paggastos ng pondo dahil ayuda itong ipinamahagi sa mga Cagayano at naniniwala umano siya na may halong pulitika ang hakbang ng kampo ng kongresista.