ILIGAL DAW | Manager ng isang football team sa England, posibleng maparusahan dahil sa panlilibre sa mga player nito sa McDonalds

England – Iniimbestigahan ngayon ng English Football League o EFL ang may-ari ng Accrington Stanley na si Andy Holt.
Ang dahilan: inililibre kasi ni Holt ang mga player nito sa McDonalds kada panalo nila sa League Two ng England bilang gantimpala.
Pero laking gulat ni Holt ng makatanggap siya ng sulat mula sa EFL nagsasabing iligal ang ginagawa niyang panglilibre sa McDonalds.
Paliwanag ng liga hindi raw kasi nakasaad sa mga kontrata ng mga player ni Holt na kailangan silang ilbre nito tuwing mananalo ang koponan.
Sa kabila nito, tiniyak nk Holt na nakahanda siyang suwayin ang utos ng liga dahil karapatan niyang ilibre ang kaniyang mga player lalo na’t patuloy silang nananalo sa liga at sariling pera naman niya ang kaniyang ginagastos.

Facebook Comments