ILIGAL NA DROGA | Babaeng nagpuslit ng shabu sa Pasay City Jail, timbog

Pasay City – Arestado ang isang babae matapos magpuslit ng dalawang sachet ng shabu sa loob ng Pasay City Jail kahapon.

Ayon kay Senior Inspector Orlando Alicante, deputy warden ng Pasay City Jail, dadalawin sana ng suspek na si Mergeline Falcunit ang kanyang pinsan na si Jimboy Concepcion na nakakulong dahil kasong konektado sa ilegal na droga.

Tila umano, kabado ang suspek papasok ng inspection area kaya naman mas naging mabusisi ang mga bantay at doon na nakita ng mga ito kay Falcunit ang hinihinalang shabu at isang aluminum foil na isiniksik niya sa kanyang sapatos.


Dahil sa nangyari naka-red alert ang pamunuan ng Pasay Jail at mas hinigpitan na nila ang pagiinspeksyon.

Facebook Comments