ILIGAL NA DROGA | Kapatid ng nasawing drug lord sa Western Visayas, patay matapos pagbabarilin

Iloilo – Patay ang isang itinuturong narco-politician matapos pagbabarilin sa kanilang beach resort sa San Joaquin, Iloilo.

Nakilala ang biktima na si Remia Prevendido Gregori, punong barangay ng Bakhaw Mandurriao.

Pinagbabaril ng mga armadong lalaki ang biktima habang nasa loob ng kuwarto ng kanilang beach resort.


Sugatan din ang mister ng biktima na si Bonifacio Gregori.

Napag-alaman na si Punong Barangay Remia ay kapatid ng pinatay na drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido.

Isa naman sa mga tinitingnang anggulo ng pulisya ang kaugnayan ng punong barangay sa iligal na droga.

Facebook Comments