ILIGAL NA DROGA | NCRPO, makikipag ugnayan na sa DepEd sa problema ng mga estudyante

Manila, Philippines – Nakatakdang makipagpulong ang pamunuan ng National Capital Region Police Office sa Department of Education upang talakayin ang napaulat na mayroong mga estudyante na ginagamit ng mga sindikato sa iligal na droga.

Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni NCRPO chief General Guillermo Eleazar na kakausapin na nito ang mga opisyal ng Deped upang talakayin ang impormasyon na nakarating sa PNP na ginagamit ng mga sindikato ang mga estudyante sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Paliwanag ni Eleazar mahalaga na magkaroon ng surpresang pagbisita sa mga locker ng mga estudyante sa ibat ibang Pampublikong paaralan para malaman kung doon itinatago ang mga ilegal na droga gaya ng Marijuana at Shabu na ibinebenta ng mga estudyante sa kapwa nila mag-aaral.


Giit ng NCRPO Chief nakasalalay sa mga kabataan ang kinabukasan ng bayan kayat dapat tutukan ng PNP ang lumalalang problema sa ilegal na droga kung saan karamihan ay ginagamit ang mga estudyante dahil pawang mga menor de edad at walang kasong ipapataw sa kanila.

Facebook Comments