Iligal na droga sa Iligan, lumaganap na naman

Iligan – Lumaganap na naman ang illegal na droga gaya ng shabu sa lungsod ng Iligan.

Ito ang kinumpirma ni Iligan City Mayor Celso Regencia matapos siya nakatanggap ng report na marami ang nakapuslit na hindi taga lungsod na nagdadala umano ng droga sa pamamagitan ng kanilang bagahe.

Ayon sa alkalde, dahil naka-focus ngayon ang mga otoridad lalong-lalo na ang kapulisan sa mahigpit na ipinapatupad na seguridad sa lungsod sumabay naman sa panahon ang mga user at pusher ng iligal na droga.


Pero sinabi ni Mayor Regencia na hindi nila tatantanan ang mga nasa likod ng ipinagbabawal na gamot dahil patuloy ang pagtugis ng kapulisan sa kanila gaya ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Kung magiging normal na ang sitwasyon ng marawi sinisiguro ng mga otoridad na patuloy ang kanilang operasyon laban sa droga at sa pagpapatupad ng tokhang at double barrel reloaded.

Facebook Comments