Iligal na fishpen at fishcage sa Laguna Lake, sinumulan nang baklasin

Manila, Philippines – Sinimulan nang baklasin ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang mga iligal na fishpen at fishcage sa lawa ng Laguna.

Katuwang ang composite team ng Philippine Maritime Group, PCG at Navy Seals, unang sinuyod ng mga tauhan ng LLDA at DENR ang mga istruktura sa Binangonan at Cardona, Rizal.

Sampu sa 30 fishpen na umano’y pag-aari ng malalaking korporasyon ang target ng demolisyon.


Ayon kay LLDA General Manager Jaime Medina – ilang beses na rin nilang inabisuhan ang mga fishpen operator bago ipatupad ang pagbabaklas.

Paglilinaw pa ng opisyal, hindi zero fishpen ang kanilang ipinatutupad kundi layon lang tanggalin ang mga istruktura na nakitaan ng mga paglabag.

Facebook Comments