Inihayag ng Philippine Sugar Millers Association (PSMA) na posibleng nagkaroon lang na “ministerial misunderstanding” ang pagpapalabas ng Sugar Order (SO) No. 4 para makapag-angkat sana ng 300,000 metriko tonelada ng asukal na pinigil ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ni PSMA President Pablo Lobregat na sa palagay niya ang naturang isyu ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Sugar Regulatory Administration (SRA), Department of Agriculture (DA) at ng pangulo.
Paliwanag pa ni Lobregat na kailangan ang SO 4 dahil ang SO 3 na inilabas noong Pebrero at papayagan sana ang pag-angkat ng 200,000 metric tons ng asukal ay pinatigil ng Negros Occidental court.
Gayunpaman, nanindigan si Lobregat na ang SO 4 ay magiging kapaki-pakinabang sa parehong mga producer ng asukal at mga mamimili.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na ang bansa ay maaaring mag-import ng mas maliit na halaga ng asukal sa Oktubre.