Iligal na pangingisda sa EEZ ng Pilipinas, dapat talakayin sa regional forum – DOJ

Manila, Philippines – Itinuturing ng Department of Justice (DOJ) na collateral issue ang usapin ng iligal na pangingisda o poaching sa Reed Bank kung saan nangyari ang sinasabing pagbangga ng Chinese vessel sa F/B Gem-Ver 1 ng mga mangingisdang Pilipino.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra,  bagamat mahalagang isyu din ang usapin ng poaching sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng isang bansa, mas nararapat itong talakayin sa isang malawak na regional forum dahil maraming mga bansa ang sangkot dito tulad ng Vietnam.

Iginiit din ni Guevarra na hindi ang marine inquiry ang tamang forum para talakayin ang usapin na ito na maituturing na economic issue.


Aniya, naka-sentro ang joint marine inquiry sa pagtukoy ng mga mahahalagang pangyayari, kung ano ang pananagutan ng Chinese vessel at ng mga tripulanteng Tsino nang iwan nito ang 22 mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.

Facebook Comments