ILIGAL NA PAPUTOK | NCRPO, nakiusap na isumbong ang mga nagtitinda ng Piccolo

Manila, Philippines – Umapela si NCRPO Chief Director Oscar Albayalde na isumbong sa mga pulis ang mga nagtitinda ng iligal na paputok lalo na ang mga maliliit na tindahan na nagtitinda ng Piccolo.

Ang piccolo ang pangunahing dahilan ng mga batang aksidenteng napuputukan tuwing magba-Bagong Taon.

Sinabi ni Albayalde na bagamat hindi na pinapayagan ang pagpasok sa bansa ng mga iligal na paputok tulad ng Piccolo, aminado itong may mangilan-ngilan pa rin ang natitirang Piccolo na itinitinda sa mga maliliit na tindahan.


Mahaharap naman sa isa hanggang dalawang taon na parusa ang mga mahuhuling nagtitinda ng paputok.

Ang mga batang mahuhuling nagpapaputok ng piccolo ay agad namang i-tuturn over ang mga ito sa mga magulang o sa DSWD.

Depende naman ang pagpaparusa sa mga magulang dahil kadalasan ay hindi nila alam na nagpapaputok ng piccolo ang mga anak.

Facebook Comments