Iligal na POGO hub sa Bagac, Bataan, sinalakay ng mga awtoridad

Sinalakay ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) ang iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Bagac, Bataan.

Nasa 900 na POGO workers ang nailigtas ng mga awtoridad, kung saan 300 dito ay foreign nationals at 609 ang mga Pilipino.

Kasama ng PAOCC sa operasyon ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Bureau of Immigration (BI) sa bisa ng search warrant for human trafficking.


Ayon sa inisyal na impormasyon ng PAOCC, halos wala pang dalawang taon nag-o-operate ang naturang scam farm.

Facebook Comments