ILIGAL? | Paglabag sa proseso sa pagratipika ng TRAIN, iaakyat sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Posibleng kwestyunin ng MAKABAYAN sa Kamara ang pagratipika kagabi ng mga kongresista sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, posibleng iakyat niya sa Korte Suprema ang umano’y iligal na pag-ratify sa TRAIN.

Giit ni Tinio, niratipikahan ang TRAIN na wala na halos mga kongresista sa plenaryo.


Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na nasa 20 na lamang ang mga kongresista sa plenaryo nang walang kaabog-abog ay niratipikahan ang panukalang tax reform.

Anila, tahasan itong paglabag sa Rule 10 Section 63 kung saan nakasaad na raratipikahan ang isang panukala ng mayorya ng boto ng mga kongresista na nasa plenaryo, ibig sabihin dapat ay may quorum.

Wala na anila ang mga mambabatas pati ang mga lider ng Kamara dahil nagpapakasaya na sa Christmas party ng kanilang partido kagabi habang niraratipikahan ang TRAIN na dagdag pahirap sa publiko.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na nila sa MAKABAYAN ang petisyon para iakyat ito sa Korte Suprema.

Facebook Comments