Iligan solon ibinase ang kanyang botong YES sa martial law extension sa boses ng taong bayan

LIGAN CITY- Ibinasi sa boses ng taong bayan at ng kanyangobserbasyon ang ginawang pagboto ng YES ni Iligan City Lone DistrictCongressman Frederick Siao na palawigin pa hanggang buwan ng Disyembre angMartial Law sa Mindanao.

Sinabi ng kongresista na halos majority sa kanyangisinagawang survey ay pabor sa pag-extend ng Martial Law kayat pabor angkanyang ibinoto sa kanilang isinagawang joint session noong araw ng sabado.

Nakita rin ni Siao ang kaibahan sa nangyayari ngayon ditosa lungsod ng iligan mula nang ideneklara ni Pangulong Rodrigo Duterte angMartial Law.


Ito’y sapagkat naging disiplinado umano ang mga iliganonlalong-lalo na sa peace and order situation.

Pawang nawala rin ang kremin at naging matiwasay angbuhay ng bawat isa mula ng ideneklara ang Martial Law sa Mindanao.

Inaasahan din ni Siao na kung sakaling matapos na angmartial law sa disyembre 31, 2017 ay matatapos na rin ang gulo sa Mindanaolalong-lalo na sa Marawi City. (GHINER L. CABANDAY, RMN DXIC ILIGAN)

 

Facebook Comments