ILILIBING NA | Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili, ililibing na ngayong araw

Batangas – Nakatakdang ilibing ngayong araw ang labi ng napaslang na si Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili.

Umaasa pa rin ang pamilya ng Alkalde na makakadalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol nito.

Muli ring umapela ang pamilya sa Pangulo na linisin ang pangalan ng Mayor at bigyan ng hustisya ang pagkasawi nito.


Si Halili ay binaril noong July 2, habang nagsasagawa ng flag ceremony sa city hall.

Naging kontrobersyal si Halili dahil sa “Shame Campaign” nito, at naugnay din sa ilegal na droga makaraang mapasama sa narco-list ni Duterte.

Facebook Comments