ILL-GOTTEN WEALTH? | Executive Department, makikipagtulungan sa Senado sakaling buksan ang imbestigasyon kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacanang na makikipag-cooperate ang Executive Department sakaling mag-imbestiga ang Senado sa umanoy ill-gotten wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Nag-file kasi ng resolusyon si Senador Antonio Trillanes IV sa Senado na humihiling na imbestigahan ang tagong yaman ni Pangulong Duterte at pamilya nito na itinago sa kalat na bank accounts.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, luma na ang issue na ibinabato ni Trillanes laban sa Pangulo dahil noong 2016 Presidential Elections pa ito lumutang.


Sakali aniyang buksan ng Senado ang imbestigasyon ay makikipag-ugnayan ang Executive Department dito dahil wala naman aniya silang itinagato.
Ang malaking tanong lang aniya ay kung ano ang hawak na dokumento ni Senador Trillanes gayong sinabi na ng Anti-Money Laundering Council na hindi galing sa kanila ang dokumento nito at mali-mali ang datos na hawak ng Senador.

Facebook Comments