Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senate President Koko Pimentel na magiging pagsasayang lang ng oras ng Senado ang hirit ni Senator Antonio Trillanes IV na imbestigahan ang umanoy ill-gotten wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio.
Diin ni Pimentel, hindi ang Senado ang tamang lugar para sa pagbigyan ang hiling ni Trillanes.
Dagdag pa ni Pimentel, nauna ng pinaimbestigahan sa Senado ni Trillanes sina Paolo Duterte at Mans Carpio at ngayon ay sa iba pang miyembro ng pamilya ng Pangulo.
Hamon ni Pimentel, iakyat ni Trillanes ang issue sa korte kung mayroong itong sapat na ebidensya sa halip na gamitin ang Senado para malagay sa mga balita.
Sagot naman ni Senator Trillanes, masyadong ninenerbyos agad si Pimentel para sa amo niya.
Sabi pa ni Trillanes, valid ang resolution na kanyang inihain at tugon yun sa hamon mismo ni Pangulong Duterte na imbestigahan ng senado ang kanyang mga bank accounts.