Ill-gotten wealth ng pamilya ng isang bise alkalde, pinakukumpiska na ng Sandiganbayan

Pinapakumpiska na ng Sandiganbayan Anti-Graft Court 3rd Division ang mga bahay, lupa, kotse at iba pang ari-arian ng pamilya ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Ito’y matapos ibasura ng korte ang kanilang kahilingan na i-dismiss ito gaya umano sa nangyari sa pamilyang Marcos sa kasong “unexplained wealth” sa ilalim ng Republic Act No. 1379.

Nabatid na nabigong makumbinse ng pamilya Lacuna ang Sandiganbayan na legal at hindi “unlawfully acquired” ang kanilang mga property na naipundar.


Paliwanag ng Sandiganbayan, hindi maaaring gamiting batayan ng pamilya Lacuna kung hindi pa naisasapinal ng Korte Suprema ang nasabing hatol.

Nilinaw pa ng anti-graft court na ang anumang desisyon ng ibang division ng Sandiganbayan ay hindi magkatulad ng bisa at hindi maaring gamitin gaya sa kaso ng pamilya Marcos makaraang i-dismiss ng Sandiganbayan 4th Division ang P200B forfeiture case noong December 2019.

Dahil dito, sinabi ng Sandiganbayan na idinismis ang motion for reconsideration noong August 2, 2020 ng mag-asawang respondents na sina dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna at asawa nito na si Melanie dahil sa kawalan ng merito.

Ang limang pahinang resolution ay inisyu nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justice Sarah Jane Fernandez habang nagsilbing ponente si Associate Justice Bernelito Fernandez

Noong July 7, 2020, naglabas ng 53-pahinang desisyon ang  Sandiganbayan na kinakatigan ang Ombudsman na  kumpiskahin na ang mga ari-arian ng mga magulang ni Lacuna na sina dating Vice Mayor Danilo at misis na si Melanie na dati ring executive ng PNB dahil natuklasang illegal na naipundar ito habang nasa serbisyo sa gobyerno mula noong 1998 hanggang 2004.

Kabilang sa mga ilegal properties na ipinasasauli ng Sandiganbayan ay ang kinatitirikan bahay at lupa ng pamilyang Lacuna sa Biyaya St., Bacood, Sta. Mesa; bahay at lupa na nasa Saklolo kanto ng Biyaya Sts., sa Sampaloc na ilegal na naipundar ni Lacuna bilang Vice Mayor noong 1999; lote nagkakahalaga ng P2.8-M sa Tagaytay City na nabili noong 2000; dalawang sasakyan at limang shares of stocks na umaabot sa higit anim na milyung piso na siya namang nakasaad sa isinumite nilang statement of assets and liabilities network (SALN).

Facebook Comments