ILL-GOTTEN WEALTH? | Planong pagpapaimbestiga ni Senador Trillanes kay Pangulong Duterte, lumang tugtugin na – Malacanang

Manila, Philippines – Hindi na bago para sa Palasyo ng Malacanang ang nakatakdang paghahain ng resolusyon ngayong araw ni Senador Antonio Trillanes IV sa Senado para imbestigahan ang umano’y ill-gotten wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Mayor Sarah Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, panahon pa ng halalan ang nasabing issue kaya wala nang bago sa mga ibinabato ni Senador Trillanes laban sa Pangulo.

Para na aniyang sirang plaka ang issue sa sinasabing tagong yaman ni Pangulong Duterte dahil matatandaan na bago ang 2016 national elections ay inakusahan ni Trillanes ang Pangulo ng hindi pagdedeklara ng 211 million pesos na yaman nito sa ibat-ibang bank accounts.


Matatandaan na ito din ang dahilan kung bakit sinuspinde ng office of the President si Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang matapos itong maglabas ng umanoy bank statement ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments