Manila, Philippines – Inihain na ngayon ni Senator Antonio Trillanes IV ang senate resolution number 602 na nag aatas sa committee on banks, financial institutions and currencies na imbestigahan ang umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ang hakbang ni Trillanes ay tugon sa pahayag ni Pangulong Duterte nitong January 24, na handa siyang magpaimbestiga sa Senado at Kamara kaugnay sa bintang na mayroon siyang ill-gotten wealth.
Basehan ng senate inquiry na isinusulong ni Trillanes ang artikulong inilatlaha ng vera files nitong January 21 na hindi umano iniligay nina Pangulong Duterte at Mayor Sara Duterte sa kanilang statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ang kanilang bank deposits sa Bank of the Philippine Islands na lagpas sa halagang 100-million pesos.
Ayon kay Trillanes, target ng gagawing pagdinig na matukoy kung may nagawang paglabag sa Anti-Money Laundering Act o AMLA sina Pangulong Duterte at Mayor Inday Sara.
Layunin aniya nito na mapalakas ang pa ang AMLA para hindi mailusot ng sinuman lalo ng mga itinuturing na politically exposed persons ang kanilang mga kahina hinala at iregular na financial transactions.