Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko hinggil sa kumakalat na pekeng social media accounts na humihikayat na mag-adopt ng bata.
Ayon kay DSWD OIC Secretary Emmanuel Leyco – hinimok nito ang publiko na makiisa sa kanilang hakbang na tapusin ang illegal adoption na lumalaganap sa social media dahil maituturing itong child trafficking.
Dagdag pa ni Leyco, ang pamemeke ng civil registry ng mga bata ay isang criminal offense kung saan ipinagkait sa kanila ang kanilang karapatan na malaman ang kanilang tunay na pagkakakilanlan.
Tiniyak ng DSWD na ang gobyerno ay paninindigan at poprotektahan ang karapatan ng mga bata.
Facebook Comments