Illegal drug case, pormal nang isinampa laban kay Julian Ongpin

33

Pormal nang sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kaso sa korte si Julian Ongpin na sangkot sa pagkamatay ni Davao-based artist Breana “Bree” Jonson.

Ang non-bailable case na possession of illegal drugs ay isinampa ng DOJ sa Regional Trial Court sa San Fernando City, La Union.

Magugunitang noong Setyembre 18 nakita ng mga pulis ang 12.6 grams ng cocaine sa loob ng hotel room ni Ongpin sa beach resort sa San Juan, La Union kung saan natagpuan ding walang malay si Jonson.


Base rin sa ulat ng Philippine National Police (PNP), positibo sa cocaine si Julian at Jonson kaya agad na nagsampa ang pulisya ng illegal drugs case laban kay Julian sa Office of Provincial Prosecutor ng La Union.

Una na ring inilagay sa precautionary hold departure order si Ongpin

Facebook Comments