Illegal drug operations sa Marawi City, tututukan na rin ng Taskforce Bangon Marawi

Marawi City – Pinatututukan na ng Taskforce Bangon Marawi sa Peace and Order Sub-Committee nito ang usapin ng issue ng droga sa bakbakan sa Marawi City.

Ito ay sa harap na rin ng isiniwalat ni Pangulong Duterte na matrix kung saan makikita na dawit ang operasyon ng iligal na droga sa Maute Terror Group.

Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Kristofer Purisima, tututok sa human recovery aspect ang peace and order subcommittee para mabigyan din ng solusyon ang illegal drug operations sa lungsod.


Paliwanag ni Purisima, hindi lang physical rebuilding ang kanilang tututukan kundi pati ang pagbuo ng mga bagong komunidad.

Sa ngayon aniya ay pag-aaralan nila kung gaano kalawak ang problema sa iligal na droga sa Marawi City lalo na sa mga evacuation centers.

Facebook Comments