ILLEGAL DRUG TRADE CASE | Sen. de Lima, tumanggi na maghain ng plea sa korte

Manila, Philippines – Dahil sa hindi kinikilala ni Sen. Leila de Lima ang kanyang kasong may kaugnayan sa umano ay pagkalat ng iligal na droga sa bilibid nuong sya pa ang kalihim ng DOJ

Hindi ito naghain ng guilty o not guilty plea sa muntinlupa RTC B205 partikular sa sala ni Presiding Judge Amelia Fabros-Corpuz kung kayat ang korte na mismo ang naghain ng not guilty plea para sa Senadora

Sinabi ng Senadora na pwang fabricated o gwa gawa lamang ang mga kasong isinampa laban sa knya


Samantala, ang isa pang kaso ng Senadora na may kaugnayan parin sa illegal drug trade sa NBP na noon ay hawak ni Presiding Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa RTC B204 na inilipat narin sa B205 makaraang mag inhibit ang hukom na humahawak ng kaso ay muling naipagpaliban ang pagbasa ng sakdal

Itinakda ito sa Sept. 28 dahil mayruon pang mga mosyon ang kinakailangang resolbahin bago ito basahan ng sakdal.

Facebook Comments