ILLEGAL DRUG TRADE | Pagdinig sa kaso ni Sen. De Lima, itutuloy ngayong araw

Manila, Philippines – Itutuloy ngayong umaga ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 sa sala ni Judge Lorna Domingo Navarro ang pagdinig sa inihaing Motion to Quash ng kampo ni Senadora Leila De lima.

Ayon kay Atty. Boni Tacordon ang legal counsel ni De lima sisipot muli sa pagdinig ang nakapiit na senadora.

Matatandaang sa nakalipas na pagdinig ibinasura ni Judge Navarro ang Motion for Reconsideration (MR) on the Amended Information ng kampo ng senadora.


Pero agad nakapaghain ang kampo nito ng Motion to Quash sa MR on the Amended Information kaya hindi naipagpatuloy ang pagbasa ng sakdal.

Sa halip nagbigay ang kanyang panig ng manifesto at muling itinanong sa prosekusyon kung saan at ano yung droga na umano ay tini-trade ni De Lima.

Nang sumagot ang prosekusyon sa kauna-unahang pagkakataon, nabanggit noon sa pagdinig na “shabu” ang kinakalakal ng senadora sa Bilibid.

Gayung ang pinag-uusapan lamang at nakasaad sa charge sheet ay mapatunayan lamang ang existence ng conspiracy o pakikipagsabwatan ni De Lima at iba pang drug lords sa Bilibid.

Ayon kay Atty. Tacordon, dahil dito nagkaroon ng butas ang depensa ng prosekusyon dahil na rin sa kawalan ng consistency na isang basehan upang maibasura ang kasong isinampa nila laban kay Senadora Leila De Lima.

Facebook Comments