ILLEGAL DRUG TRADE | PNP, bumuo na ng tracker team para matugis ang negosyanteng si Peter Lim

Manila, Philippines – Bumuo na ng tracker team ang Philippine National Police (PNP) para sa wanted na negosyanteng si Peter Lim.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, isinilbi na ang warrant of arrest kay Lim.

Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa nila nahuhuli ang negosyante.


Hindi naman inaalis ng PNP na nasa loob pa ng bansa si Lim.

Sabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra, uutusan niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na tumulong sa mga pulis sakaling mabigo man ang mga ito na mahanap si Lim.

Nahaharap sa kasong may kaugnayan sa illegal drug trading si Lim.

Facebook Comments