Manila, Philippines – Itutuloy ni Manila Regional Trial Court Branch 26 Judge Silvino Pampilo ang pagdinig sa kaso ni Kerwin Espinosa ngayong araw.
Umaasa ang mga abogado ng kontrobersiyal na si Kerwin Espinosa, ang itinuturing na drug lord sa Western Visayas, na bibigyang-halaga ng mababang Korte ang resulta ng unang cross and direct examination na isinagawa sa testigong si Marcelo Adorco.
Ayon kay Attorney Raymund Fortun, Lead Counsel ni Espinosa, napatunayan sa cross examination na walang kredibilidad si Adorco bilang testigo na magdidiin kay Espinosa sa kaso ng Illegal Drugs.
Paliwanag ni Fortun, na magkakasalungat ang testimonya ni Espinosa na inilahad sa mga sinumpaang salaysay na isinagawa ng Department of Justice (DOJ) at maging sa iba pang sinumpaang salaysay laban kay Espinosa.
Kapansin-pansin, din aniya na tinuruan lamang si Adorco lalo na at ang natatandaan lamang nito ay ang pagtataas ng dami ng ilegal na droga na idinidiliber ng mga drug lord sa New Bilibid Prisons (NBP) na taun-taon ay tumataas ng sampung kilo mula 2013.
Gayundin aniya ang mga petsa kung kalian at saan isinagawa ang pagbiyahe ng ilegal na droga.