ILLEGAL DRUGS | PDEA at BOC, may pagkukulang kaya nalusutan – kongresista

Manila, Philippines – Aminado si House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Barbers na malaki ang naging pagkukulang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) sa pagpapalitan ng impormasyon dahilan kaya nalusutan ng tone-toneladang iligal na droga sa bansa.

Ang pahayag ng kongresista ay kasunod ng ginawang imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa P3.4 Billion na smuggled drugs na natuklasan sa Manila International Container Port (MICP) at ang nakalusot na P6.8 Billion na droga sa Cavite.

Ayon kay Barbers, may naging kakulangan talaga sa sharing ng intelligence information ang PDEA at BOC.


Dapat sana ay nagkaroon muna ng case conference ang PDEA at BOC bago umaksyon nang sa gayon ay naging maigting ang pagbabantay at paghuli sa shipment ng mga iligal na droga.

Lumabas din sa pagsisiyasat na pinag-aaralan pang mabuti ng mga sindikato ang pagpasok ng droga sa bansa kaya marami-rami pa rin ang nakakalusot hanggang sa ngayon.

Tiniyak naman umano sa kanya ng PDEA at BOC pagkatapos ng ginawang imbestigasyon ngayong linggo na 100% na silang magpapalitan ng intelligence information upang mas palakasin pa ang panghuhuli sa mga sindikato ng iligal na droga.

Facebook Comments