Nagsimula nang magbaklas ng illegal fishpens ang Task Force Bantay Ilog sa kailugan ng lungsod ng Dagupan.
Noong Ika-11 ng Nobyembre ng silbihan ang mga owners at operators ng notice of violation and demolition na mula sa tatlong barangay. Kasama ng Task Force ang City Agriculture Office, Dagupan CDRMMO, PNP Dagupan at Coast Guard.
Ayon kay OIC City Agriculturist Patrick Dizon, pitong (7) illegal at oversized fishpens/fishcages ang kanilang binaklas mula sa bahagi ng Barangay Bonuan Gueset, Pugaro-Suit at Salapingao.
Karamihan aniya sa mga ito ay mga abandoned fishpens/fishcages at wala nang lamang bangus.
Una nang ipinahayag ni Kagawad Abel Abueme ng Task Force Bantay Ilog na pumirma ng waiver ang mga may-ari ng oversized fishpens/fishcages na pinapayagan ang mga Bantay Ilog personnel na mag dismantle ng mga naturang fish structures.
Kasabay rin ng aktibidad ang pagsisilbi ng notice for demolition sa iba pang mga illegal na istruktura na nakatakdang idemolish sa mga susunod na araw. |ifmnews
Facebook Comments