ILLEGAL GAMBLING: 25 katao arestado dahil sa sabong ng pauwakan

Dalawampot lima katao ang inaresto ng Police Station # 4 sa Cotabato City matapos maaktuhan sa “Sabong ng Pauwakan” sa Bagua area noong weekend.
Kasalukuyang nasa CCPO Headquarters ang mga ito at nahaharap na sa kaukulang kaso ayon pa kay PS4 Commander PCIns Tirso Pascual sa naging panayam ng DXMY.
Bukod sa Illegal Drugs isa rin sa tinututukan ng mga kapulisan ang illegal gambling giit pa ni CINS Pascual.
Maliban sa sabong, huhulihin rin ang mga maaktuhang magtotong- its, pusoy, mahjong, mga last 2 at last 3 ushers at kahit pa ang tumataya rito dagdag ng opisyal.
Kaugnay umaapela ang City PNP na makiisa sa kanilang kampanya upang di na magsisisi sa bandang huli.
google pic

Facebook Comments