Illegal gambling pupuksain ng PNP sa BARMM

63

Mas palalakasin pa ngayon ng PNP Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang kampanya kontra illegal gambling.
Layunin nito ay upang malinis ang rehiyon kontra anu mang uri ng sugal ayon pa sa naging direktiba ni PRO BAR Regional Director Marni Marcos Jr.
Igiinit pa ni General Marcos na isa aniyang Haram ang sugal base na rin sa paniniwalang Islam kung kayat hindi nito pahihintulutan na mamayagpag ang illegal gambling sa rehiyon.
Maituturing rin aniyang isang uri ng kurapsyon ang pagtanggap naman ng lagay mula sa mga Financier o nagpapasimuno ng sugal. Kaugnay nito, binalaan ni Marcos ang lahat ng kanyang mga Ground Commanders at lahat ng elemento ng PNP BAR na huwag na huwag masasangkot sa illegal gambling , at huwag maging protector nito.
Hinihimok naman ni Gen. Marcos ang publiko na makiisa sa kanilang kampanya at huwag magdalawang isip na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga pulis na nahuhumaling sa sugal.

Facebook Comments