ILLEGAL GARLIC IMPORTATION | Dating Agriculture Secretary Proceso Alcala at 23 iba pa, nahaharap sa kasong graft

Manila, Philippines – Pinakakasuhan na ng Ombudsman ng graft si dating Agriculture Secretary Proceso Alcala at 23 iba pa matapos makitaan ng probable cause kaugnay ng garlic cartel.

Ayon sa prosekusyon, inaprubahan ni Alcala at ng mga kapwa akusadong sina dating Bureau of Plant Industry Director Clarito Barron, at division chiefs na sina Merle Palacpac at Luben Marasigan ang nasa higit 8,000 import permits ng mga bawang sa kabila ng existing order na nagsususpinde sa issurance ng mga naturang permit.

Sa naturang bilang, 5,022 permits ay napunta sa mga importers at affiliates ng Vendors Association of the Philippines, Inc. (VIEVA) na pinamumunuan ni Lilia “Lea” Cruz.


Si Cruz ay itinalaga ni Alcala bilang chairperson ng National Garlic Action Team (NGAT) na nagsisilbing consultative body ng DA sa garlic production at supply program.

Lumalabas din sa imbestigasyon, na si Alcala ay nag apruba ng IPS sa kabila ng umiiral na order na nagsususpinde sa pag-iisyu nito.

Facebook Comments