ILLEGAL LOADING AND UNLOADING, AT BEATING THE RED-LIGHT NA TRAFFIC VIOLATION, NANANATILING PANGUNAHIN SA MGA NALALABAG NG MGA DRIVERS SA DAGUPAN CITY

Nananatiling isa sa pangunahing traffic violation na nalalabag ng mga drivers sa Dagupan City ay ang illegal loading and unloading, at ang beating the red light.
Ito ay sa kabila ng pagpapaigting ng POSO Dagupan ng mga traffic rules ay mayroon pa ring mga nahuhuli na lumalabag sa mga nasabing batas trapiko. Isa na rito ang nangyari noong april 8, araw ng sabado nang masita ng POSO enforcer ang isang jeepney driver na may parutang tondaligan dahil mali umano ang bahagi na kanyang pinagsakyan ng mga pasahero.
Giit naman ng jeepney driver na mga bata umano ang mga sumakay kaya’t napilitan itong tumigil kahit hindi ito ang tamang loading and unloading zone.

Pagpapaalalang muli ng mga traffic enforcers’ ang pagsunod ang mga tricycle at jeepney drivers sa ipinapatupad na batas trapiko upang hindi na magmulta dahil malaki na itong kabawasan sa araw araw nilang kinikita.
Samantala, higit na binantayan ng mga enforcers ang daloy ng trapiko sa nagdaang Semana Santa sanhi ang madaming naglabasang mga pribado at pampublikong sasakyan at wala umanong nakitang mga major incidents sa panahong ito. |ifmnews
Facebook Comments