ILLEGAL LOGGING HOTSPOTS SA REHIYON 1, WALANG NAITALA AYON SA DENR-R1

Inihayag ngayon ng Department of Environment and Natural Resources Region na wala pa umano silang naitatalang illegal logging hotspots sa rehiyon.
Inihayag ni Atty. Rizaldy Barcelo, ang DENR-R1 Regional Director sa isang pulong balitaan sa lalawigan ng La Union na wala nang namomonitor na illegal logging hotspots sa rehiyon kung saan kanyang inalala ang huling pangyayari ng illegal logging sa bayan ng Mangatarem kung saan na-contain naman ito noong 2021.
Aniya pa, mayroon pa rin namang mga isolated na na-aapprehend ng kanilang ahensya ngunit tanging mga inabandona mga troso o kahoy at mayroon pa rin naman aniyang mga nahuhuli ngunit paisa-isa gaya na lamang ng mga sasakyang may karga ng Illegal resource products o mga kahoy at iba pa.

Samantala, sa susunod na linggo na ang Environment Mass Celebration kung saan gaganapin ang isang safe fair ng naturang ahensya.
Isa sa highlight ngayon ng selebrasyon ay ang pagbibigay parangal sa mga stakeholders o sa mga environmental partners ng ahensya para sa layuning mas pinaigting na pangangalaga sa kapaligiran. |ifmnews
Facebook Comments