Illegal mining operations sa bansa, posibleng napasok na rin ng mga Chinese

Nababahala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa posibilidad na napasok na rin ng Chinese ang mga illegal mining operation sa Pilipinas.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Environment Sec. Antonia Yulo-Loyzaga na nakikipagtulungan na ang DENR sa iba pang ahensya ng pamahalaan para imbestigahan ang dumadaming presensya ng dayuhang manggagawa sa mga illegal mining.

Patunay aniya rito ang mga nahuling foreign workers sa illegal mining operations sa border ng Cagayan de Oro at Iligan noong nakaraang taon.


Gayundin ang 11 Chinese workers na nahuli sa umano’y illegal mining plant sa Paracale, Camarines Norte kamakailan.

Ayon sa kalihim, labag sa batas ang pagkakaroon ng mga foreigner sa mining operation, maliban na lang kung ito ay specific highly-technical position.

Katuwang aniya ng DENR ang mga lokal na pamahalaan, Department of National Defense, Department of Trade and Industry o DTI, at Department of Labor and Employment o DOLE sa imbestigasyon kaugnay ng pagpasok ng mga foreign workers nang walang kaukulang dokumento.

Facebook Comments