Illegal mining sa Cagayan Valley, pinasisilip ni Pangulong Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na silipin ang illegal mining activities sa Cagayan Valley kasunod ng matinding baha sa rehiyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, mahalagang makontrol ang pagmimina sa rehiyon.

Aniya, masyado nang maraming hukay na lupa na siyang dahilan kung bakit maraming tubig ang bumabagsak.


Tugon ni Environment Secretary Roy Cimatu, naglabas na sila ng cease and desist orders lalo na at maraming tao ang namatay dahil sa mining activities sa lugar.

Pagtitiyak ni Pangulong Duterte na hindi na mauulit ang ganitong sitwasyon at palalakasin ang forest protection efforts.

Kailangan aniya ang kooperasyon ng publiko para maipatupad ito ng pamahalaan.

Facebook Comments