Illegal na bus terminal sa EDSA-Pasay, surpresang binisita ng DOTr

Dismayado si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon nang datnan niya ang sitwasyon ng ilang mga bus terminal sa EDSA-Pasay.

Isa sa bus terminal na ito ay matatagpuan sa malaking bakanteng lote, walang bubong, walang ventillation, walang maayos na palikuran at walang maayos na pasilidad, na pinatatakbo ng dalawang bus lines na patungong Visayas at Mindanao.

Ayon kay Dizon, ipinatawag na ng DOTr at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang mga bus operator sa mga tinukoy na illegal terminal sa EDSA-Pasay, ngunit sa ngayon ay hindi muna maipasasara ito dahil may mga pasahero nang nakabili na ng mga tickets at nakatakda nang umalis papunta sa kanilang mga probinsiya.

“im calling on the owners you’d better be ready to explain to us why you are running an illegal terminal here in Pasay, papatawag namin kayo pasensiyahan kung ano magiging sanctions sa inyo”.

Kasabay nito ay nanawagan din siya sa mga bus operators na sundin ang minimum standards ng isang bus terminal lalo pa at malake ang kinikita ng mga ito mula sa pamasaheng sinisingil sa mga pasahero.

Facebook Comments