ILLEGAL NA DROGA AT BARIL, NASABAT SA ISANG LALAKI SA NATIVIDAD

Naaresto ang isang 36 anyos na lalaki, isang magsasaka na may live-in partner, sa isinagawang operasyon sa kanilang bahay sa Barangay Burgos nitong Oktubre 20, 2025.

Sa bisa ng dalawang search warrants, nakumpiska mula sa suspek ang 1.2 gramo ng hinihinalang shabu at iba’t ibang mga bala at baril.

Ang operasyon ay isinagawa ng Natividad Municipal Police Station sa koordinasyon ng PDEA, alinsunod sa Republic Act No. 9165 at mga kaugnay na batas.

Na-inventory at naitala ang mga nakuhang ebidensya sa presensya ng suspek at mga saksi bilang bahagi ng legal na proseso. Ang suspek ay dinala sa Natividad MPS para sa karampatang hakbang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments