Tuloy-tuloy ang ginagawang pagtugis ng Philippine National Police (PNP) sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung pahihintulutan pa ang operasyon ng POGO sa bansa dahil sa pagkakasangkot ng ilan sa iligal na aktibidad.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., patuloy ang kanilang ugnayan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) hinggil dito.
Layon nitong alamin kung ilang POGO companies ang rehistrado at hindi.
Sa datos mula sa Bureau of Immigration (BI), mula sa 368 na mga hindi rehistradong POGO workers ay 156 na sa mga ito ang naipa-deport.
Facebook Comments