Kumpiskado ng awtoridad ang mga ilegal na mga paputok sa bayan Pozorrubio.
Sa isinagawang inspeksyon ng kapulisan kasama ang BFP sa Sport Complex, Brgy. Cablong, nakumpiska ang 25 piraso ng unlabeled kwitis na nagkakahalaga ng P525, isang pakete ng Whistling Moon Travelers na nagkakahalaga ng P500 at 2 bundles naman ng Roman Candle na humigit kumulang P500 ang nakuha.
Nasa kustodiya na ng POZORRUBIO Police Station ang mga paputok para sa tamang disposisyon.
Paalala ng awtoridad sa mga tindera ng paputok ang pagtalima sa mga ibinabang alituntunin upang legal na makapagbenta nito ngayong Bagong Taon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments