ILLEGAL ONLINE GAMBLING | 31 Chinese nationals, arestado sa iligal na pasugalan sa Muntinlupa

Muntinlupa City – Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigastion (NBI) ang 31 Chinese nationals na umano ay sangkot sa illegal online gambling sa Muntinlupa.

Sa bisa ng search warrant na inilabas noon pang 2013 sinalakay ng mga otoridad ang isang bahay sa Ayala, Alabang kung saan isinasagawa cybercrime activities.

Nakuha sa mga dayuhan ang ilang cellphone, computer at iba pang electronic device na ginagamit sa pagsusugal.


Sinampahan na sila ng kasong paglabag sa cybercrime prevention act, access devices regulation at illegal gambling in relation to cybercrime prevention act.

Facebook Comments