Bukod sa kaliwa’t-kanang road construction na nakakaapekto sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng Calasiao Junction, ilang mga paglabag din sa batas-trapiko ang nagdudulot ng mas mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay POSO Calasiao Supervisor Jessie Laforteza, nangunguna umano sa higit na nalalabag na batas-trapiko ng mga motorista ay ang illegal parking at counterflow.
Inihayag naman ng ilang mga motorista na napapansin din umanong problema ay ang pagmamadali ng kapwa-motorista kaya naman nagsusulputan ang mga sasakyan, dahilan na hindi agad makontrol ang daloy ng trapiko.
Sinang-ayunan ito ng mga POSO enforcers dahilan na ang iba raw talaga umano ay nawawalan ng disiplina sa pagmamaneho.
Samantala, full force o halos limampung enforcers umano ang nakadeploy sa mga pangunahing kakalsadahan sa bayan araw-araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨