Muling iginiit ang pagbabawal sa pagbibilad ng mga ani at illegal parking sa mga sidewalk ng mga pangunahing kakalsadahan sa Bayambang.
Ininspeksyon ng Public Safety Office at mga pamunuan ng labing isang barangay sa bayan ang kahabaan ng mga kakalsadahan upang matiyak na sumusunod ang mga residente.
Ininspeksyon ng Public Safety Office at mga pamunuan ng labing isang barangay sa bayan ang kahabaan ng mga kakalsadahan upang matiyak na sumusunod ang mga residente.
Tinukoy ng tanggapan na isa lamang ang illegal parking at pagbibilad sa sidewalk sa nagpapasikip ng trapiko at maaaring pagmulan ng aksidente.
Sa naturang usapin, inihayag din ng ilang residente ang paglalagak ng kaukulang pasilidad para sa pagbibilad ng ani ng mga magsasaka. Umaapela ang tanggapan sa kooperasyon ng publiko para sa kaligtasan ng mga motorista at ng mga residente.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









