ILLEGAL PARKING | Clearing Operation ng Manila Traffic and Parking Bureau, ikinasa

Manila, Philippines – Mahigpit na ipinapatupad ng Manila City Government ang pagpaparada ng mga sasakyan na nakasagabal sa daloy ng trapiko sa lungsod ng Maynila.

Dahil dito tuloy-tuloy ang isinasagawang clearing operation ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau sa mga lugar na idineklarang No Parking Zone sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay MTBP Chief Dennis Alcorez, halos araw-araw na silang nagsasagawa ng operation kung saan marami pa ring pasaway na mga driver dahil maging ang mga motorsiklo ay sa bangketa na pumaparada kayat ikinasa nila ang operasyon at hinatak ang mga ito at dinadala sa impounding area sa Harrizon Plaza sa Malate, Manila.


Paliwanag ni Alcoreza na marami ng nagrereklamong motorista na dumadaan sa Quezon Blvd. sa Quiapo Manila dahil marami ang mga motorsiklo at ibat ibang sasakyan ang nakaparada sa lugar.

Dagdag pa ng opisyal na lahat ng mga sagabal at hindi nila pinaliligtas dahil maging ang mga nagmamaniho ng motor na walang helmet ay kanilang sinisita bukod pa ang mga pedicab, tricycle at kuliglig na pumasada sa ipinagbabawal na mga lugar sa Maynila ay hindi nila pinaliligtas.

Facebook Comments