
Hiniling ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mahigpit na bantayan ang iligal na online payment platforms na may koneksyon sa online gambling.
Panawagan ito ni Rodriguez kasunod ng utos ng BSP sa mga digital wallets providers na i-unlink o putulin ang koneksyon sa mga online gambling sites.
Kapuri-puri para kay Rodriguez ang hakbang ng BSP pero kanyang ibinabala ang posibilidad na lumipat ang mga tumatangkilik sa online gambling sa money transfers sa pamamagitan ng bangko at iba pang financial intermediaries tulad ng pawnshops.
Naniniwala si Rodriguez na hahanap ng paraan ang mga online gambling operators para magpatuloy ang kanilang operasyon.
Kaya naman suhestyon ni Rodriguez sa BSP, humingi ito ng tulong sa Department of Information and Communications Technology.









